Buumbilang: Pagkakaiba sa mga binago
No edit summary |
(Walang pagkakaiba)
|
Kasalukuyang pagbabago noong 19:31, 14 Hunyo 2021

Ang buumbilang (Ingles: integer na mula sa Latin na integer, literal na nangangahulugang "hindi ginalaw" kaya "buo": nagmula ang salitang entire sa kaparehong pinagmulan sa pamamagitan ng Pranses[1]) ay likas na bilang na kabilang ang 0 (0, 1, 2, 3, ...) at kanilang mga negatibo (0, −1, −2, −3, ...). Ito ang mga bilang na hindi na kailangang isulat na bahagi ng isang hating-bilang o desimal at pumapatak sa loob ng isang pangkat (set) {... −2, −1, 0, 1, 2, ...}. Halimbawa, mga buumbilang ang 65, 7, at −756; ang 1.6 at 1½ ay hindi. Sa ibang katawagan, buumbilang ang mga bilang na maaaring bilangin katulad ng mansanas, o daliri, at kanilang mga negatibo, gayon din ang 0.
Katulad ng mga likas na mga bilang, binubuo ang mga buumbilang ng isang sukdulang nabibilang pangkat. Kadalasang pinapakita ang pangkat ng lahat ng buumbilang sa pamamagitan ng matapang na letrang Z (o matapang na pisara (blackboard bold) , Unicode U+2124 Padron:Unicode), na nangangahulugang Zahlen (Aleman para sa mga bilang, binibigkas Padron:IPA "tsAH-len").[2]
