Rombus

Mula testwiki
Pagbabago noong 03:29, 8 Hunyo 2021 ni imported>Kurigo:
(iba) ← Mas luma | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bago → (iba)
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap
Rombo

Ang rombus (rhombus) o rombo (Kastila: rombo) ay isang uri ng kuwadrilateral o hugis na may apat na gilid. Iisa ang sukat ng mga gilid ng rombo. Dahil ang rombo ay isang paralelogram, ang magkatambal na gilid ay magkabalalay. Maaari ring tawaging diyamante ang rombo dahil sa korte nito. Kapag gumuhit ng mga linya pahiris sa loob ng rombo, ang pinagkurusan ay mga anggulo na may sukat na 90°. Kung ang sukat ng bawat panloob na anggulo ng rombo ay 90°, ito ay isang parisukat.

Etimolohiya

Ang salitang "rhombus" o "rombus" ay nagmula sa Griyegong ῥόμβος (rhombos), na nangangahulugang bagay na paikot-ikot, na siyang nagmula sa pandiwang ῥέμβω (rhembō), ibigsabihin ay "pumaikot-ikot." Ang salita ay ginamit nina Euclid at Archimedes. Ginamit nila ang terminong "solidong rhombus" para sa isang bikono, dalawang sirkulong kono na may iisang base o tungtungan.

Lawak ng rombo

  • Ang pinaka-karaniwang pagpapahiwatig ng lawak ng rombo ay:
A=b×h

kung saan ang b = base at ang h = taas ng rombo


  • Maaari rin gamitin ang sukat ng mga hiris ng rombo para makuha ang lawak. Mula sa larawan:
A=ac×bd2

kung saan ac = unang hiris at bd = pangalawang hiris.


Mga sanggunian

  1. Weisstein, Eric W. "Rhombus." Mula sa MathWorld--A Wolfram Web Resource. http://mathworld.wolfram.com/Rhombus.html
  2. Matematika para sa ika-pitong baitang

Padron:Mga Poligon

Padron:Stub