Pluto

Mula testwiki
Pagbabago noong 00:23, 18 Marso 2025 ni imported>InternetArchiveBot: (Rescuing 1 sources and tagging 0 as dead.) #IABot (v2.0.9.5)
(iba) ← Mas luma | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bago → (iba)
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap

Padron:Otheruses Padron:Infobox planet

Planetang Pluto
Pluto at Karonte

Ang Pluto (minor-planet designation: 134340 Pluto; sagisag: ⯓[1] o ♇[2]) ay isang planetang unano sa Kuiper belt, isang sinturon ng mga bagay lampas sa Neptune. Ito ay ang unang bagay sa Kuiper belt na natuklasan. Ito ay ang pinakamalaki at ikalawang pinaka-mabigat na kilalang unanong planeta sa Sistemang Solar at ang ikasiyam na pinakamalaking at ikasampung pinaka-mabigat na bagay na direktang nag-oorbit sa Araw. Ito ay ang pinakamalaking kilalang trans-Neptununian object (TNO) ayon sa volume ngunit magaan kaysa Eris, isang dwarf planet sa scattered disc. Tulad ng iba pang bagay sa Kuiper belt, ang Pluto ay pangunahing gawa ng yelo at bato[3] at mas maliit-mga isang-kaanim ng mass ng Buwan at isang-katlo ng volume nito. Ito ay mayroong katamtamang eccentric at nakahilig naorbit at may layong 30 hanggang 49 astronomical unit o AU (4.4-7300000000 km) mula sa Araw. Nangangahulugan ito na ang Pluto ay may panahong mas malapit sa Araw kaysa Neptune, ngunit mayroon Pluto at Neputune ng isang matatag na orbital resonance na pumipigil sa kanilang pagbabanggaan. Noong 2014, Pluto ay 32.6 AU ang layo mula sa Araw Ang liawanag ng Araw ay umaabot ng 5.5 oras upang maabot ang Pluto sa kanyang average na layo (39.4 AU).[4]

Ang Pluto ay natuklasan noong 1930 ni Clyde Tombaugh, at noon ay orihinal na itinuturing na ikasiyam na planeta mula sa Araw Matapos ang 1992, ang katayuan nito bilang isang planeta ay pinag-alinlangan nang makatulas ng ilang mga bagay na may kaparehong laki sa Kuiper belt. Noong 2005, Eris, na 27% na mas massive kaysa sa Pluto, ay natuklasan, na nagtulak sa International Astronomical Union (IAU) upang pormal na bigyan ng depisiyon ang salitang "planeta" sa unang pagkakataon sa sumunod na taon.[5] Ang depinisyong ito ibinukod at Pluto at nauri bilang isang miyembro ng bagong kategoryang "dwarf planeta" (at partikular bilang isang plutoid).[6] Tingin ng ilan astronomo na ang Pluto, pati na rin ang iba pang dwarf planet, dapat itururing na mga planeta.[7][8][9]

Ang Pluto ay may limang kilalang buwan: Karonte (Charon, ang pinakamalaki, na may diameter na lagpas kalahati ng Pluto), Styx, Nix, Kerberos, at Hydra.[10] Ang Pluto at Karonte ay itinuturing rin na isang binary system dahil ang barycenter ng ​​kanilang mga orbit ay hindi matatagpuan sa loob ng mga ito.[11] Hindi pormal na binigyang depinisyon ng IAU ang "binary dwarf planet", kaya ang Karonte ay opisyal na nauuri bilang isang buwan ng Pluto.[12]

Noong 14 Hulyo 2015, ang spacecraft New Horizons ang naging unang spacecraft na nag-fly-by sa Pluto.[13][14][15] Sa loob ng maikling flyby na ito, ang New Horizons ay nakagawa ng detalyadong pagsukat at mga obserbasyon ng Pluto at mga buwan nito.[16]

Pagkadiskubre

Noong dekada 1840, ginamit ni Urbain Le Verrier ang Newtonian mechanics upang bigyang prediksiyon ang posisyon ng hindi pang natuklasang planeta na Neptune pagkatapos ang analisis sa perturbation sa orbit ng Uranus.[17] Ang mga sumunod na obserbasyon sa Neptune sa huling bahagi ng ika-19 na siglo ay humantong sa pag-espukula ng mga astronomo na ang orbit Uranus ay naiimpluwensiyahan ng isa pang planeta bukod sa Neptune.

Noong 1906, si Percival Lowell – isang mayamang taga-Boston na nagtatag sa Lowell Observatory sa Flagstaff, Arizona, noong 1894 – ay nagsimula ng isang malawak na proyekto sa paghahanap ng isang posibleng ikasiyam na planeta, at tinaguriang niya itong "Planet X".[18] Noong 1909, iminungkahi nina Lowell at William H. Pickering ang ilang mga posibleng celestial coordinate para sa naturang planeta.[19] Isinasagawa ni Lowell at ng kanyang obserbatoryo ang paghahanap hanggang sa kanyang kamatayan noong 1916, ngunit sila ay nabigo. Hindi alam ni Lowell, ang kanyang mga survey ay nakakuha ng dalawang malabong imahen ng Pluto noong 19 Marso at 7 Abril 1915, ngunit hindi nila nakilala kung ano ang mga ito.[19][20] Mayroong iba pang labing-apat obserbasyon bago ang pagkakatuklas, sa mga ito ang pinakalumang ay ginawa ng Yerkes Observatory noong 20 Agosto 1909.[21]

Ang balo ni Percival, si Constance Lowell, ay nagtangkang umagaw sa pamanang milyong dolyar na bahagi ng obserbatoryo para sa kanyang sarili. Dahil sa na sampung taon paghahabla, ang paghahanap para sa Planet X ay ​​hindi naipagpatuloy hanggang 1929.Padron:Sfn Sa panahong iyon, si Vesto Melvin Slipher, ang direktor ng obserbatoryo, ay buong ipinasa ang trabaho sa paghahanap ng Planet X sa 23-taong gulang na si Clyde Tombaugh, na kararating pa lamang sa Lowell Observatory matapos na-impress si Slipher sa isang habawa ng kanyang guhit pang-astronomya.Padron:Sfn

Ang mga gawain ni Tombaugh ay sistematikong kunan ng imahen sa kalangitan ng gabi sa pares ng mga larawan, at pagkatapos ay suriin ang bawat pares at tukuyin kung mayroong mga bagay na nagpalit ng posisyon. Gamit ng isang blink comparator, mabilis na pinapalit-palit mga imahen sa bawat plate upang upang lumikha ng ilusyon ng pagkilos ng anumang bagay na nagbago ng posisyon o hitsura. Noong 18 Pebrero 1930, pagkatapos ng halos isang taong paghahanap, natuklasan ni Tombaugh ang isang posibleng gumagalaw na bagay sa mga photographic plates na noong 23 at 29 ng Enero ng taong iyon. Isang mas mababang-kalidad na litrato na kinuha noong Enero 21 ang nakakumpirma sa pagkilos.Padron:Sfn Matapos makuha ang obserbatoryo ng larawang pangkumpirma, balita ng pagkatuklas ay itinlegrama sa Harvard College Observatory noong 13 Marso 1930.[19]

Pagpapangalan

Ang pagkatuklas napabalita sa buong mundo. Ang Lowell Observatory, na siyang may karapatan na magpangalan sa bagong bagay, na nakatanggap ng higit sa 1,000 mungkahi mula sa lahat ng dako ng mundo, mga pangalang mula Atlas hanggang Zymal.[22] Hinimuk kaagad ni Tombaugh sa Slipher upang magmungkahi ng isang pangalan para sa bagong bagay bago siya maunahan ng iba.[22] Ipinakula ni Constance Lowell ang Zeus , pagkatapos Percival at sa wakas Constance. Ang mga suhestiyong ito ay binalewala.[23]

Ang pangalang Pluto, alinsunod sa diyos ng underworld, ay iminungkahi ni Venetia Burney (1918–2009), isang labing-isang-taon gulang na mag-aaral sa Oxford, England, na noon ay interesado sa classical na mitolohiya.[24] Iminungkahing niya ito sa isang pag-uusap sa kanyang lolo na si Falconer Madan, isang dating librarian sa Bodleian Library ng University of Oxford na ipinasa ang pangalan kay Herbert Hall Turner na propesor sa astronomiya, at itinelegrama naman ito sa mga kasamahan niya sa Estados Unidos.[24]

Ang bagay ay opisyal na pinangalanan noong 24 Marso 1930.[25][26] Ang bawat miyembro ng Lowell Observatory ay pinapayagang pumili sa isang maikling-listahan na may tatlong pangalan: Minerva (na noon ay ipinangalan na para sa isang asteroid), Cronus (na nawalan ng reputasyon dahil iminungkahi kinayayamutang astronomo na si Thomas Jefferson Jackson See), at Pluto. Natanggap ng Pluto ang bawat boto.Padron:Sfn Ang pangalan ay inihayag sa 1 Mayo 1930.[24] Pagkatapos ng anunsyo, binigyan ni Madan si Venetia ng £5 (katumbas ng Padron:Inflation GBP, o 450 USD sa 2025)Padron:Inflation-fn bilang gantimpala.[24]

Nakatulong sa pagkakapili ng pangalan ang unang dalawang titik ng Pluto dahil ito ang mga inisyal ni Percival Lowell. Ang simbolong pang-astronomiya ng Pluto (♇, Unicode U+2647 ♇) ay nilikha bilang isang monogram na gawa sa mga titik na "PL".[27] Ang simbolong pang-astrolohiya ng Pluto ay kahawig ng sa Neptune (♆), ngunit ito ay may bilog kapalit ng gitnang sanga ng sungay ng salapang (⯓, U+2BD3 ⯓).

Ang pangalan ay madaling niyakap ng madla. Noong 1930, si Walt Disney ay nabigyang-inspirasyon nang ipinakilala nito ang alagang aso ni Mickey Mouse na nagngangalang Pluto, ngunit hindi makumpira ni Disney animator Ben Sharpsteen kung bakit ito ang pangalang ibinigay.[28] Noong 1941, pinangalanan ni Glenn T. Seaborg ang bagong likhang element na plutonium alinsunod sa Pluto, sa pagsunod sa tradisyon ng pagbibigay ng pangalan sa mga elemento matapos makatuklas ng bagong planeta, sinundan nito ang uranium, na ipinagalana sa Uranus, at neptunium na ipinangalan sa Neptune.[29]

Karamihan ng mga wika gumamit ng pangalang "Pluto" sa iba't-ibang transliterasyon.Padron:Efn Sa Japanese, Houei Nojiri ang iminungkahing salin, Padron:Nihongo3 at ito ay hiniram sa Chinese, Korean, at Vietnamese.[30][31][32] Ang ilang wika sa India ay gumamit ng pangalang Pluto, ngunit ang iba, tulad ng Hindi, ay gumamit ng pangalanng Yama , ang Tagapag-alaga ng Impiyerno sa mitolohiyang Hindu at Buddhist, pati na rin Vietnamese.[31] Sa mga wikang Polynesian madalas na ginagamit ang pangalan ng katutubong diyos ng underworld, pati na sa Maori bilang Whiro .[31]

Planet X pinabulaanan

Nang natagpuan, ang kalabuan at kakulangan ng naaninag na disc ng Pluto ang nagdulot ng pagdududa sa ideya na ito ang Planet X ni Lowell.[18] Ang mga tantiya sa mass ng Pluto ay pababa nang pababa sa buong ika-20 siglo.[33]

Tantiya sa Mass ng Pluto
Taon Mass Tantiya ng
1915 7 Earth Lowell (prediksiyon para Planet X)[18]
1931 1 Earth Nicholson & Mayall[34][35][36]
1948 0.1 (1/10) Earth Kuiper[37]
1976 0.01 (1/100) Earth Cruikshank, Pilcher, & MorrisonPadron:Sfn
1978 0.0015 (1/650) Earth Christy & Harrington[38]
2006 0.00218 (1/459) Earth Buie et al.[39]

Unang kinakalkula ng mga astronomo ang mass nito batay sa na epekto nito sa Neptune at Uranus. Noong 1931, ang Pluto ay nakalkula nang humigit kumulang sa mass ng Earth, na may karagdagang mga kalkulasyon noong 1948 nagdadala ng mass pababa sa humigit-kumulang na mass ng Mars.[35][37] Noong 1976, sina Dale Cruikshank, Carl Pilcher at David Morrison ng University of Hawaii ang nagkalkula sa albedo ng Pluto sa unang pagkakataon, at nakitaan ito na tugma nang sa yelong methane; nangangahulugan ito na ang Pluto napakakinang para sa laki nito at samakatuwid ay hindi maaaring maging mas mababa sa 1 porsiyento ng mass ng Earth.Padron:Sfn (Ang albedo Pluto ng ay higit na Padron:Nowrap beses ng sa Earth.[40])

Noong 1978, pagkatapos matuklasan ang buwan ng Pluto na Karonte nasukat ang mass Pluto sa unang pagkakataon: humigit-kumulang sa 0.2% nang sa Earth, at malayong maliit para makaimpluwensiya sa pagkakaiba ng orbit ng Uranus. Ang sumunod na paghahanap para sa isang alternatibong Planet X, pinakakilala dito ang kay Robert Sutton Harrington, [41] ay nabigo. Noong 1992, ginamit ni Myles Standish ang data mula sa pag-flyby ng Voyager 2 sa Neptune noong 1989, dito binago ang tantiya sa mass Neptune pababa ng 0.5%--isang halagang maihahambing sa mass ng Mars – upang muling kalkulahin ang gravitational effect nito sa Uranus. Gamit ang bagong dagdag na pigura, ang mga pagkakaiba (discrepancy), kasama ang pangangailangan ng isang Planet X, ay naglaho.[42] Sa ngayon, ang karamihan ng mga siyentipiko ay sumang-ayon na ang Planet X, sa depenisyon ni Lowell, ay hindi umiiral.[43] Gumawa ng prediksiyon si Lowell sa orbit at posisyon ng Planet X noong 1915 na medyo malapit sa aktuwal na orbit at posisyon ng Pluto sa panahong iyon nito; pagkaraan sinabi ni Ernest W. Brown na ang pagkakatuklas ng Pluto ay nagkataon lang (coincidence),[44] isang pananaw na umiiral hanggang ngayon.[42]

Padron:Minor planets navigator Padron:Plutoids Padron:Solar system table

Talababa

Padron:Reflist

Sanggunian

Padron:Reflist

  1. Padron:Cite web
  2. Padron:Cite book
  3. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Wiley-2005
  4. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang lighttraveltime
  5. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang hubblesite2007/24
  6. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang BBC-Akwagyiram 2005-08-02
  7. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Gray 2008-08-10
  8. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang chihuahuaisdog
  9. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang News.discovery.com
  10. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Showalter
  11. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Olkin_2003
  12. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang IAU Pluto
  13. Padron:Cite news
  14. Padron:Cite news
  15. Padron:Cite news
  16. Padron:Cite news
  17. Padron:Cite book
  18. 18.0 18.1 18.2 Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Tombaugh1946
  19. 19.0 19.1 19.2 Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Hoyt
  20. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Littman1990
  21. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang BuchwaldDimarioWild2000
  22. 22.0 22.1 Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang pluto guide
  23. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Mager
  24. 24.0 24.1 24.2 24.3 Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Venetia
  25. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang The Times 27 May 1930
  26. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang NYTimes 25 May 1930
  27. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang JPL/NASA Pluto's Symbol
  28. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Heinrichs2006
  29. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang ClarkHobart2000
  30. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang RenshawIhara2000
  31. 31.0 31.1 31.2 Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang nineplan
  32. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Bathrobe
  33. Padron:Cite book
  34. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang RAS1931.91
  35. 35.0 35.1 Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Nicholson et al 1930
  36. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Nicholson et al 1931
  37. 37.0 37.1 Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Kuiper 10.1086/126255
  38. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang ChristyHarrington1978
  39. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang BuieGrundyYoung_2006
  40. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Pluto Fact Sheet
  41. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang SeidelmannHarrington1988
  42. 42.0 42.1 Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Standish1993
  43. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Standage2000
  44. Error sa pagsipi: Invalid na <ref> tag; walang tekstong binigay para sa ref na pinangalanang Tenn1994