Inbersong punsiyon

Mula testwiki
Pagbabago noong 00:43, 14 Hulyo 2023 ni 147.136.249.114 (usapan):
(iba) ← Mas luma | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bago → (iba)
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap
Ang punsiyong f at ang inberso nitong f1. Dahil sa ang f ay nagmamapa ng a sa 3, ang inbersong punsiyon na f1 ay nagmamapa ng 3 pabalik sa a.

Ang inbersong punsiyon (Ingles, inverse function) ay ang punsiyong nagbabaliktad sa isang punsiyon. Kung ang input na x sa punsiyong f ay lumilikha ng output na y, kung gayon ang paglalagay ng y sa inbersong punsiyong g ay lilikha ng output na x, at bise bersa o

f(x)=y at g(y)=x

Sa tuwiran, ang g(f(x))=x ay nangangahulugang ang g(x) na binuo ng f(x) ay nag-iiwan sa x na hindi nababago. Ang isang punsiyong f na may inberso ay tinatawag na invertible. Ang inbersong punsiyon ay unikong matutukoy ng f at may simbolong f1 (binabasang f inberso).

Ang isang relasyon ay matutukoy na may inberso kung ito ay isang punsiyong isa-sa-isa (one-to-one). Hindi lahat ng punsiyon ay may inberso.

Mga halimbawa

Buong inberso

Isang halimbawa ay ang punsiyong f(x)=(2x+8)3. Upang mahanap ang inberso ng f, kailangang makuha ang katumbas ng x sa y=f(x):

y=(2x+8)3y3=2x+8y38=2xy382=x.

Ang y=x ay isang parsiyal na inberso ng f(x)=x2 sa domain na x0.

Dahil x=f1(y), ang inbersong punsiyon f1 ay

f1(y)=y382.

Parsiyal na inberso

Isa pang halimbawa ay ang punsiyong g(x)=x2. Upang mahanap ang inbersong punsiyong g1,

y=x2y=x.

Kahit ang punsiyong g ay hindi isang punsiyong isa-sa-isa (g(x)=g(x)=x2), ito ay isang punsiyong isa-sa-isa kung ang domain ng x ay gagawing x0. Kung kaya ang inberso ng g ay

g1(y)=y.

Iskalang Celsius at Fahrenheit

Upang makuha ang katumbas ng halaga sa iskalang Fahrenheit ng isang temperaturang nasa iskalang Celsius:

F=95C+32

kung saan ang F ay ang temperatura sa iskalang Fahrenheit at C naman ay sa iskalang Celsius.

Kung hahayaan ang tumbasang ito na maging isang punsiyong f ,

F=f(C)=95C+32

kayang makuha ang inberso nitong f1:

F=95C+32F32=95C59(F32)=C.

Kung kaya naman ang katumbas sa Celsius ng temperaturang F sa Fahrenheit ay binibigay ng f1(F):

C=f1(F)=59(F32).

Padron:Stub