Mean na kwadradong tinimbang na paglihis

Mula testwiki
Pagbabago noong 03:05, 10 Pebrero 2024 ni imported>Jojit fb: (Ang talasanggunian ay mas ginagamit sa pagtukoy sa bibliography habang ang mga sanggunian ay mas ginamait para tukuyin ang references (via JWB))
(iba) ← Mas luma | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bago → (iba)
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap

Ang Mean na kwadradong tinimbang na paglihis ay malawak na ginagamit sa heokronolohiya na agham ng pagkakamit ng impormasyon tungkol sa panahon ng pagkakabuo ng halimbawa mga bato, mineral, mga buto, koral o uling o ang panahon kung saan ang partikular na mga proseso ay nangyayari sa masa ng bato halimbawa sa muling kristalisasyon at pagalago ng butil o sa pagbabagong nauugnay sa paglalagay ng mga depositong ore. Kadalasan, ang heokronolohista ay tutukoy ng isang serye ng mga sukat ng edad sa isang sampol na may halagang sinukat na  xi na may timbang na  wi at isang nauugnay na kamaliang σxi para sa bawat pagtukoy ng edad. Tungkol sa pagtitimbang, ang isa ay maaaring magtimbang ng lahat ng mga sinukat na edad ng magkakatumbas o magtimbang ng mga ito sa pamamagitan ng proporsiyon ng sampol na kinatawan ng mga ito. Halimbawa, kung ang dalawang-tatlo ng sampol ay ginagamit sa unang pagsukat at ang isang-tatlo para sa ikalawa at huling pagsukat, maaaring timbangin ang unang pagsukat ng dalawang beses ng ikalawa. Ang artimetikong mean ng mga pagtukoy ng edad ay:

x=i=1NxiN

ngunit ang halagang ito ay nakaliligaw malibang ang bawat pagtukoy ng edad ay may katumbas na kahalagahan. Kapag ang bawat nasukat na halaga ay maipapalagay na may parehong pagtitimbang o kahalagahan, ang may kinikilingan at walang kinikilingang(o respektibong populasyon at sampol) mga tagantiya ng bariansa ay kinukwenta ng sumusunod:

σ2=i=1N(xix)2N  and  s2=NN1σ2=NN2Ni=1N(xix)2.

Ang pamantayang paglihis ang kwadradong ugat ng bariansa. Kapag ang mga indibidwal na pagtukoy ng edad ay hindi ng magkatumbas kahalagahan, mas mabuting gumamit ng tinimbang na mean upang makamit ang aberaheng edad gaya ng sumusunod:

x*=i=1Nwixii=1Nwi

Ang may kinikilingang tinimbang na tagatantiya ng bariansa ay maaaring maipakita na:

σ2=i=1Nwi(xix*)2i=1Nwi

na maaaring makwenta bilang

σ2=i=1Nwixi2i=1Nwi(i=1Nwixi)2(i=1Nwi)2

Ang walang kinikilingang tinimbang na tagatantiya ng bariansa ng sampol ay maaaring makwentang:

s2=i=1Nwi(i=1Nwi)2i=1Nwi2 . i=1Nwi(xix*)2

Muli, ang tumutugong pamantayang paglihis ang kwadradong ugat ng bariansa. Ang walang kinikilangang tinimbang na tagatantiya ng bariansa ng sampol ay maaari ring makwenta na:

s2=i=1Nwixi2i=1Nwi(i=1Nwixi)2(i=1Nwi)2i=1Nwi2

Ang hindi tinimbang na kwadradong mean ng tinimbang na mga paglihis ay maaari namang kwentahin na:

MSWDu=1N1 . i=1N(xix)2σxi2

Sa analohiya, ang tinimbang na kwadradong mean ng tinimbang na mga paglihis ay maaaring makwenta na:

MSWDw=i=1Nwi(i=1Nwi)2i=1Nwi2 . i=1Nwi.(xix*)2(σxi)2

Mga sanggunian

  • McDougall, I. and Harrison, T.M. 1988. Geochronology and Thermochronology by the 40Ar/39Ar Method. Oxford University Press.
  • Dickin, A.P. 1995. Radiogenic Isotope Geology. Cambridge University Press, Cambridge, UK, 1995, ISBN 0-521-43151-4, ISBN 0-521-59891-5
  • Lance P. Black, Sandra L. Kamo, Charlotte M. Allen, John N. Aleinikoff, Donald W. Davis, Russell J. Korsch, Chris Foudoulis 2003. TEMORA 1: a new zircon standard for Phanerozoic U–Pb geochronology. Chemical Geology 200, 155-170.
  • M.J. Streule, R.J. Phillips, M.P. Searle, D.J. Waters and M.S.A. Horstwood 2009. Evolution and chronology of the Pangong Metamorphic Complex adjacent to themodelling and U-Pb geochronology Karakoram Fault, Ladakh: constraints from thermobarometry, metamorphic modelling and U-Pb geochronology. Journal of the Geological Society 166, 919-932 Padron:Doi

Discussions of the basic mathematical principles

  • Roger Powell, Janet Hergt, Jon Woodhead 2002. Improving isochron calculations with robust statistics and the bootstrap. Chemical Geology 185, 191-204.