Hangganan (kalkulo)

Mula testwiki
Pagbabago noong 04:42, 28 Marso 2021 ni imported>GinawaSaHapon: (Inilipat ni GinawaSaHapon ang pahinang Hangganan papunta sa Hangganan (kalkulo))
(iba) ← Mas luma | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bago → (iba)
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap

Ang hangganan(limit) ng isang punsiyon ay isang pangunahing konsepto sa kalkulo at matematikal na analisis tungkol sa pag-aasal ng isang punsiyon kung ito ay malapit sa ibinigay na input.

Depinisyon

Simpleng depinisyon

Ang isang punsiyong f ay nagtatalaga ng isang output f(x) sa bawat input x. Ang punsiyon ay may hangganan(limit) na L sa isang input na c kung ang output ng f(x) ay "malapit" sa L habang ang input na x ay "malapit" sa c. Samakatuwid, ang output ng f(x) ay papalapit ng papalapit sa L habang ang x ay papalapit ng papalapit sa c. Ang f(x) ay maaaring gawing malapit sa halaga ng L kung ang input na x ay gagawing malapit sa halaga ng c ngunit hindi eksakstong c. Ang karaniwang notasyon ng hangganan ay:

limxcf(x)=L

Ito ay binabasa bilang "ang hangganan(limit) ng f ng x habang ang x ay papalapit sa c". Halimbawa, ang punsiyon na titignan natin ay f(x)=x2 at interasado tayong malaman ang hangganan(limit) ng punsiyong ito habang ang x ay papalapit sa 2. Ang isang paraan para malaman ang hangganan(limit) ay ang pagpili ng mga halagang malapit sa 2 at kwentahin ang bawat napiling mga halaga sa punsiyong f(x)=x2. Makita sa sumusunod na tabla ang mga output ng punsiyon sa bawat ibinigay na input:

x 1.7 1.8 1.9 1.95 1.99 1.999
f(x)=x2 2.89 3.24 3.61 3.8025 3.9601 3.996001

Sa susunod na tabla, atin namang kukwentahin ang mga input na mas malaki sa 2:

x 2.3 2.2 2.1 2.05 2.01 2.001
f(x)=x2 5.29 4.84 4.41 4.2025 4.0401 4.004001

Ating makikita mula sa mga tabla sa itaas na kung ang x ay papalapit ng papalapit sa 2, ang output ng f(x) ay papalapit ng papalapit sa 4 kahit hindi natin isasaalang alang kung ang x ay papalaki o papaliit sa halaga ng 2. Sa dahilang ito, magiging sigurado tayo na ang hangganan ng x2 habang ang x ay papalapit sa 2 ay 4 o ayon sa notasyon ng hangganan, "ang f(x)=x2 ay may hanganan(limit) na 4 habang ang input ay papalapit sa 2".

limx2x2=4

Pormal na depinisyon

Padron:Kalkulo1

Ang letrang ε(epsilon) ay maaaring maunawaan na "kamalian"(error) ng halaga ng punsiyon(f(x)) sa hangganan(L) at ang δ(delta) ang "distansiya" ng x sa a. Ang ε ay mapapaliit kung ang δ ay mapapaliit. Kung pipili tayo ng ε, makakahanap tayo ng δ na sa bawat ε, merong δ kung saan ang distansiya ng f(x) at L ay mas maliit sa ε: |f(x)L|<ε kung ang distansiya ng x sa c ay mas maliit sa δ: 0<|xc|<δ

Halimbawa, ang hangganan ng punsiyong f(x)=x+7 habang ang x ay papalapit sa 4 ay 11 o sa notasyong hangganan ay:

limx4x+7=11

Upang patunayan na ang hangganan ay talaga ngang 11, kailangan nating patunayan na kahit ano ang halaga ng ε na ibinigay, makakahanap tayo ng halaga ng δ kung saan ang:

|f(x)11|<ε

sa tuwing ang:

|x4|<δ

Kung itatakda ang δ=ε, kailangang patunayan na ang:

|f(x)11|<ε

Ngayon, itumbas ang δ sa ε:

|x4|<δ=ε.

Ang resulta ay |x4|<ε

Pansinin na ang |f(x)11|<ε ay naging katumbas ng |x4|<ε:

|f(x)11|=|x+711|=|x4|<ε

na siya nating nais patunayan.

Kontinuidad

Ang isang punsiyon na ƒ ay sinasabing tuloy tuloy(continuous) sa c kung ito ay inilalarawan sa c at ang halaga sa c ay katumbas ng hangganan ng f habang ang x ay papalapit sa c:

limxcf(x)=f(c).

Kung ang kondisyong 0 < |x − c| ay inalis sa depinisyon ng hangganan, ang resultang depinisyon ay katumbas ng pag-aatas na ang f ay maging tuloy tuloy sa c.

Kung ang punsiyong f ay may halagang real, ang hangganan ng f sa p ay L kung at tanging kung ang parehong kanang hangganan at kaliwang hangganan ng f at p ay umiiral at katumbas ng L.

Ang punsiyong f ay tuloy tuloy sa p kung at tanging kung ang hangganan ng f f(x) sa x habang papalapit sa p ay umiiral at katumbas ng f(p). Kung ang f : MN ay isang punsiyon sa pagitan ng mga metrikong espasyo na M at N, kung gayon, ito ay katumbas na f ay binabago ang bawat sekwensiya(sequence) sa M na nagtatagpo(converges) patungo sa p sa sekwensiya sa N na nagtatagopo patungo sa f(p).

Kung ang N ay isang espasyong bektor na normado(normed vector space), ang operasyong hangganan ay linyar sa pagkaunawang: kung ang hangganang f(x) habang ang x ay papalapit sa p ay L at ang hangganan ng g(x) habang ang x ay papalapit sa p ay P, kung gayon ang hangganan ng f(x) + g(x) habang ang x ay papalapit sa p ay L + P. Kung ang a ay skalar sa baseng field, kung gayon ang hangganan ng af(x) habang ang x ay papalapit sa p ay aL.

Kung ang f ay isang punsiyon na may halagang real o kompleks, ang pagkuha ng hangganan at umaayon sa mga operasyong alhebraiko, kung ang mga hangganan sa kanang bahagi ng ekwasyon ay umiiral. Ang tawag dito ay Alhebraikong teorema ng hangganan. Ang mga patakaran ng teoremang ito ay ang sumusunod:

lim\limits xp(f(x)+g(x))=lim\limits xpf(x)+lim\limits xpg(x)lim\limits xp(f(x)g(x))=lim\limits xpf(x)lim\limits xpg(x)lim\limits xp(f(x)g(x))=lim\limits xpf(x)lim\limits xpg(x)lim\limits xp(f(x)/g(x))=lim\limits xpf(x)/lim\limits xpg(x)

Sa bawat kaso sa itaas, kung ang hangganan sa kanan ay hindi umiiral o sa huling kaso, ang hangganan sa parehong numerador at denominador ay sero, gayunpaman ang hangganan sa kaliwa na tinatawag na anyong hindi matukoy(indeterminate form) ay maaari pa ring umiral. Ito ay depende sa mga punsiyong f at g. Ang mga patakarang ito ay balido sa isang gilid na mga hangganan sa kaso ng p = ±∞, gayundin sa inpinadong hangganan(infinite limit) gamit ang sumusunod na mga patakaran:

  • q + ∞ = ∞ for q ≠ −∞
  • q × ∞ = ∞ if q > 0
  • q × ∞ = −∞ if q < 0
  • q / ∞ = 0 if q ≠ ± ∞

Walang pangakalahatang patakaran sa kaso ng q / 0; ito ay depende sa kung paano ang 0 ay nilalapitan. Ang mga hindi matukoy na anyo gaya ng 0/0, 0×∞, ∞−∞, and ∞/∞—are ay hindi sakop ng mga patakarang ito, ngunit ang mga katumbas na hangganan ay matutukoy gamit ang Patakarang L'Hôpital o ang Teorema ng piga.

Diskontinuidad

Maaalis na diskontinuidad

Ang diskontinuidad(discontinuity) ay punto kung saan ang isang punsiyon ay hindi tuloy tuloy(continuity). Maraming mga instansiya na ito ay maaaring mangyari. Halimbawa, ang punsiyong f(x)=x29x3 ay hindi tuloy tuloy sa x=3 dahil kung ilalapat ang hangganan sa puntong ito, ang praksiyon ay magreresulta sa 0 na sa matematika ay hindi matutukoy(undefined). Gayunpaman, ang isang diskontinuidad ay maaalis dahil kung babaguhin ang punsiyon sa puntong ito, maaari nating alisin ang diskontinuidad at gawin ang punsiyon na tuloy tuloy. Upang gawing tuloy tuloy ito, kailangang pasimplehin ang f(x) upang magresulta ng f(x)=x29x3=(x+3)(x3)(x3)=x+31x3x3. Maaari na tayong maglarawan ng bagong punsiyon na g(x) kung saan ang g(x)=x+3. Ang punsiyong ito ay hindi pareho sa orihinal na punsiyong f(x) dahil maaaring tukuyin ang g(x) sa x=3. Ang g(x) ay tuloy tuloy sa x=3 dahil ang limx3(x+3)=6=g(3). Gayunpaman, sa tuwing ang x3, f(x)=g(x); ang ating ginawa sa f upang magresulta ng g ay gawin itong matutukoy sa halagang x=3.

Hindi maalis na diskontinuidad

Hindi lahat ng diskontinuidad ay maaaring alisin sa isang punsiyon. Halimbawa ang punsiyon na:

k(x)={1,if x>01,if x0

Dahil ang limx0k(x) ay hindi umiiral, walang paraan na maaaring muling tukuyin ang k sa isang punto upang ito'y maging tuloy tuloy sa 0. Ang parehong isang gilid na mga hangganan ay umiiral: limx0k(x)=1 at limx0+k(x)=1 ngunit ang dalawang ito ay hindi magkatumbas kaya ang talangguhit ay tumatalon mula sa isang gilid ng 0 hanggang sa kabila. Sa kasong ito, ang punsiyon ay may "tumatalong diskontinuidad"(jump discontinuity). Ang tumatalong diskontinuidad ay isang uri ng diskontinuidad na hindi maaalis.

Paghahanap ng hangganan

Kung ang isang punsiyon ay naglalarawan ng rasyonal, trigonometriko, logaritmiko at eksponensiyal na mga punsiyon at ang bilang na c ay nasa sakop ng punsiyon, kung gayon ang hangganan sa c ay hanganan sa halaga ng punsiyon sa c. Kung ang c ay wala sa sakop ng punsiyon, kung gayon sa maraming instansiya(gaya ng sa rasyonal na punsiyon), ang sakop ng punsiyon ay kinabibilangan ng lahat ng punto na malapit sa c ngunit hindi mismong sa c. Ang isang halimbawa ay kung nais nating hanapin ang limx0xx, kung saan ang sakop ay kinabibilangan ng lahat ng mga bilang maliban sa sero. Sa instansiyang ito, upang mahanap ang limxcf(x) kailangan nating maghanap ng punsiyon na g(x) na katulad ng f(x) maliban sa butas(hole) sa c. Ang mga hangganan ng f atg ay pareho gaya ng makikita sa depinisyon ng hangganan. Sa depinisyon ito, ang hangganan ay depende sa f(x) lamang sa mga punto kung ang x ay malapit sa c ngunit hindi katumbas nito, kaya ang hangganan sa c ay hindi dumidepende sa halaga ng punsiyon sa c. Samakatuwid, kung ang limxcg(x)=L, limxcf(x)=L. At dahil sa ang sakop ng ating bagong punsiyon ay kinabibilangan ng c, maaari na natin ilapat ang hangganan sa c(kung ipagpalagay nating ang punsiyon ay naglalarawan pa rin sa rasyonal, trigonometriko, logaritmiko, at eksponensiyal na mga punsiyon). Ang resulta ay limxcf(x)=g(c). Sa ating halimbawa, ang pagkakansela ng x sa numerador at denominador ay nagreresulta sa g(x)=1 na katumbas ng f(x)=x/x sa lahat ng mga punto maliban sa sero. Ang hangganan ay limx0xx=limx01=1. Sa pangkalahatan, kung kukwentahin ang mga hangganan ng mga rasyonal na punsiyon, ang isang mabuting ideya ay maghanap ng mga karaniwang mga paktor sa numerador at denominador.

Merong intansiya na ang hanggangan ay hindi umiiral:

  • May pagitan: Kung may pagitan(hindi lamang sa isang punto) kung saan ang punsiyon ay hindi matutukoy. Halimbawa, sa punsiyong f(x)=x216, ang limxcf(x) ay hindi umiiral kung ang 4c4. Walang paraan na malalapitan ang gitna ng grapo. Upang ang hangganan ay umiral, ang punto ay dapat malalapitan mula sa kaliwa at kanang gilid.
  • Tumatalon: Kung ang grapo(talangguhit) ay biglang tumatalon sa ibang antas, ang hangganan ay hindi umiiral sa puntong ito ng pagtalon. Halimbawa, kung itatakda ang f(x) na maging pinakamalaking intedyer na x. Kung gayon, kung ang c ay isang intedyer kung ang x ay papalapit sa c mula sa kananf(x)=c, habang ang x ang c ay papalapit mula f(x)=c1. Sa gayon, ang limxcf(x) ay hindi iiral.
  • Bertikal na asymptote: Kung ang grapo ay nagiging sobrang taas habang papalapit sa sero gaya ng sa punsiyong f(x)=1x2
Habang ang ƒ ay papalapit sa puntong P, ang ƒ ay nagpapaurong sulong(oscillates) mula ƒ(a) patungo sa ƒ(b) ng walang hanggang bilang at hindi nagtatagpo(converges).
  • Walang hangganang osilasyon(pag urong sulong). Kung ang grapo ay patuloy na tumataas sa taas at babagsak sa ilalim ng linyang horisontal. Sa ibang salita, ang grapo ay nag-aasal ng ganito ng walang hanggan kung ito ay papalapit sa isang halaga ng x. Gayunpaman, kung ang taas ng bawat osilasyon ay papaliit habang ang grapo ay papalapit sa isang partikular na halaga ng x, maaaring ito ay may hangganan. Ang halimbawa nito ay ang punsiyong trigonometriko na f(x)=sin1x. Habang ang x ay papalapit sa 0, ang punsiyon ay patuloy na nagpapaurong sulong sa pagitan ng 1 at 1. Ang katunayan, ang sin(1/x) ay nagpapaurong sulong sa walang hanggang bilang sa interbal ng 0 at anumang positibong halaga ng x. Ang punsiyong sine ay katumbas ng sero sa tuwing angx=kπ kung saan ang k ay isang positibong intedyer. Sa pagitan ng bawat dalawang intedyer na k, ang sinx ay nagpapaurong sulong sa pagitan ng 0 at 1 o 0 at 1. Samakatuwid, ang sin(1/x)=0 sa bawat x=1/(kπ). Sa bawat magkasunod na mga pares ng halagang 1/(kπ) at 1/[(k+1)π], ang sin(1/x) ay nagpapaurong sulong mula sa 0 patungo sa 1 o mula 1 pabalik sa 0. Maaaring mapansin na mayroong walang hanggang bilang ng mga pares na ito at ito'y nasa pagitan ng 0 at 1/π. Merong may hangganang bilang ng mga gayong pares sa pagitan ng positibong halaga ng x at1/π kaya may walang hangganang bilang sa pagitan ng anumang positibong halaga ng x at 0. Sa ating pangangatwiran, maaari nating mahinuha na habang ang x ay papalapit sa 0 mula sa kanan, ang punsiyong sin(1/x) ay hindi papalapit sa anumang spesipikong halaga. Samakatuwid, ang limx0sin(1/x) ay hindi umiiral.

Mga basikong(basic) patakaran ng hangganan at pagpapatunay nito

Padron:Kalkulo1 Upang mapatunayan na ang limxcf(x)=b, kailangan nating hanapin ang isang δ>0 na sa bawat ε>0, |bb|<ε sa tuwing |xc|<δ. |bb|=0 at ε>0, kaya |bb|<ε ay idependiyenteng masasapatan sa bawat halaga ng δ; samakatuwid, maaari tayong pumili ng anumang δ na ating naisin at ang ε na kundisyon ay totoo. Padron:Kalkulo1 Upang patunayan ang limxcx=c, kailangan nating humanap ng δ>0 na sa bawat ε>0, |xc|<ε sa tuwing ang |xc|<δ. Kung pipiliin δ=ε, ito ay sasapat sa kondisyon.

Padron:Kalkulo1 Dahil sa binigyan tayo ng limxcf(x)=L, mayroon isang punsiyon na tawagin nating δf(ε), na sa bawat ε>0, |f(x)L|<ε sa tuwing ang |xc|<δf(ε). Ngayon, kailangan nating humanap ng δkf(ε) na sa lahat ng ε>0, |kf(x)kL|<ε sa tuwing ang |xc|<δkf(ε).
Una, ipagpalagay natin na ang k>0. |kf(x)kL|=k|f(x)L|<ε, kaya ang |f(x)L|<ε/k. Sa kasong ito, kung itatakda ang δkf(ε)=δf(ε/k), ito ay sasapat sa kondisyon ng hangganans.
Ngayon kung ipagpalagay nating ang k=0. Dahil sa ang f(x) ay may hangganan sa x=c, alam natin sa depinisyon ng hangganan na ang f(x) ay inilalarawan sa bukas na interbal na D na naglalaman ng c (maliban siguro kung sa c mismo). Sa partikular, alam nating ang f(x) ay hindi lumalaki sa inpinidad sa loob ng D (maliban na lang siguro sa c, ngunit hindi ito makakaapekto sa hangganan), kaya ang 0f(x)=0 sa D. Dahil sa ang kf(x) ay isang konstanteng punsiyon na 0 sa D, ang hangganan na limxckf(x)=0 sa pamamagitan ng konstanteng patakaran para sa mga hangganan.
Ngayon, ipagpalagay na ang k<0. |kf(x)kL|=k|f(x)L|<ε, kaya ang |f(x)L|<ε/k. Sa kasong ito, kung itatakda ang δkf(ε)=δf(ε/k), ito ay sasapat sa kondisyon ng hangganan.

Padron:Kalkulo1 Dahil sa binigyan tayo ng limxcf(x)=L at limxcg(x)=M, mayroon dapat mga punsiyon na tawagin nating δf(ε) at δg(ε), na sa lahat ng ε>0, |f(x)L|<ε sa tuwing ang |xc|<δf(ε), at .|g(x)M|<ε sa tuwing ang |xc|<δg(ε).
Kung idagdag ang dalawang inekwalidad ay magreresulta ng |f(x)L|+|g(x)M|<2ε. Sa pamamagitan ng inekwalidad ng tatsulok, mayroon tayong |f(x)L|+|g(x)M||(f(x)L)+(g(x)M)|=|(f(x)+g(x))(L+M)|, kaya mayroon tayong |(f(x)+g(x))(L+M)|<2ε sa tuwing ang |xc|<δf(ε) at |xc|<δg(ε). Itakda natin ang δfg(ε) na maging mas maliit sa δf(ε/2) at δg(ε/2). Sa gayon, ang δ ito ay sasapat sa depinisyon ng hangganan para sa limxc[f(x)+g(x)] na mayroon hangganan na L+M.

Padron:Kalkulo1 Ilarawan ang h(x)=g(x). Sa pamamagitan ng patakaran produkto para sa mga hangganan, limxch(x)=M. Sa pamamagitan ng patakaran suma para sa mga hangganan, limxc(f(x)g(x))=limxc(f(x)+h(x))=LM. Padron:Kalkulo1 Itakda natin ang ε na maging kahit anong positibong bilang. Ang pagpapalagay na ito ay nagpapahiwatig ng pag-iral mga positibong bilang na δ1,δ2,δ3 na ang

(1)|f(x)L|<ε2(1+|M|) kapag ang 0<|xc|<δ1
(2)|g(x)M|<ε2(1+|L|) kapag ang 0<|xc|<δ2
(3)|g(x)M|<1 when 0<|xc|<δ3

Ayon sa ikatlong kondisyon, makikita natin na ang:

|g(x)|=|g(x)M+M||g(x)M|+|M|<1+|M| when 0<|xc|<δ3

Ipagpalagay nating ang 0<|xc|<min{δ1,δ2,δ3} at gamit ang (1) at (2) makakamit natin ang

|f(x)g(x)LM|=|f(x)g(x)Lg(x)+Lg(x)LM||f(x)g(x)Lg(x)|+|Lg(x)LM|=|g(x)||f(x)L|+|L||g(x)M|<(1+|M|)ε2(1+|M|)+(1+|L|)ε2(1+|L|)=ε

Padron:Kalkulo1 Kung maipapakita nating ang limxc1g(x)=1M, kung gayon ay maaari tayong maglarawan ng isang punsiyon na h(x) bilang h(x)=1g(x) at gamitin ang patakaran produkto para sa mga hangganan upang patunayan ang teorema. Kaya kailangan lang nating patunayan na ang limxc1g(x)=1M.
Itakda natin ang ε na maging anumang positibong bilang. Ang pagpapalagay ay nagpapahiwatig ng pag-iral ng mga positibong mga bilang na δ1,δ2 na sa

(1)|g(x)M|<ε|M|(1+|M|) kapag ang 0<|xc|<δ1
(2)|g(x)M|<1 kapag ang 0<|xc|<δ2

Ayon sa ikalawang kondisyon, makikita nating ang

|g(x)|=|g(x)M+M||g(x)M|+|M|<1+|M| kapag ang 0<|xc|<δ2

na nagpapahiwatig na:

(3)|1g(x)|>11+|M| kapag ang 0<|xc|<δ2

Ipagpalagay nating na ang 0<|xc|<min{δ1,δ2} at gamit ang (1) at (3), makakamit natin ang:

|1g(x)1M|=|Mg(x)Mg(x)|=|g(x)MMg(x)|=|1g(x)||g(x)MM|<11+|M||g(x)MM|<11+|M||ε|M|(1+|M|)M|=ε

Padron:Kalkulo1 Mula sa mga asumpsiyon, alam nating may umiiral na δ na kung |g(x)L|<ε at |h(x)L|<ε kapag ang 0<|xc|<δ.
Ang mga inekwalidad na ito ay katumbas ng Lε<g(x)<L+ε at Lε<h(x)<L+ε kapag ang 0<|xc|<δ.
Kung gagamitin ang alam natin na relatibong pag-aayos ng f(x),g(x), at h(x), mayroon tayong
Lε<g(x)<f(x)<h(x)<L+ε kapag ang 0<|xc|<δ.
o
ε<g(x)L<f(x)L<h(x)L<ε kapag ang 0<|xc|<δ.
Kaya ang
|f(x)L|<max(|g(x)L|,|h(x)L|)<ε kapag ang 0<|xc|<δ.

Hangganan ng punsiyon habang papalapit sa inpinidad

Ang hangganan ng punsiyong ito sa inpinidad ay umiiral.

Padron:Kalkulo1

Ang hangganan na inpinidad ng isang punsiyon

Padron:Kalkulo1

Iba pang hangganan

Hangganan ng Logaritmiko at eksponensiyal na punsiyon

For a>1:
limx0+logax=
limxlogax=
limxax=0
If a<1:
limxax=

Hangganan ng mga trigonometrikong punsiyon

Padron:Main

limxasinx=sina
limxacosx=cosa
limx0sinxx=1
limx01cosxx=0
limx01cosxx2=12
limxn±tan(πx+π2)=for any integer n

Espesyal na hangganan

limx+(1+kx)mx=emk
limx+(11x)x=1e
limx+(1+kx)x=ek
limnnn!n=e
limn2n22+2+...+2n=π

Tignan din

nl:Limiet#Limiet van een functie