Euclidyanong bektor

Mula testwiki
Pagbabago noong 22:36, 13 Hulyo 2023 ni 147.136.249.114 (usapan):
(iba) ← Mas luma | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bago → (iba)
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap

Padron:Other uses

Sa matematika, pisika, at inhinyera, ang Euclidyanong bektor (mula Padron:Lang-es) o tuganong Euclidyano (Padron:Lang-en), mas kilala sa pinaiksing tawag na bektor (mula Padron:Lang-es) o tugano lamang,Padron:Efn ay isang heometrikal na bagay na may kalakhan (magnitude) o haba, at direksyon. Ayon sa alhebrang pambektor, maaaring idagdag ang mga bektor sa iba pang mga bektor. Madalas itong ipinapakita bilang isang sinag (ray) o pasulat sa anyong AB, kung saan ang Padron:Math ay ang mga punto ng sinag — Padron:Math ang pinagmulan at Padron:Math ang patutunguhan.

Galing sa salitang Kastila na vector ang "bektor," na nagmula naman sa salitang Latin na vector ("tagadala"). Una itong ginamit noong ika-18 siglo ng mga astronomo sa kanilang pag-iimbestiga sa pag-ikot ng mga planeta sa Araw. Ang kalakhan ng bektor ay ang layo ng dalawang punto sa isa't isa, at tinutukoy naman ng direksyon ang direksyon ng paglipat (displacement) mula sa punto na Padron:Math papuntang Padron:Math. Maraming pagkakatulad ang mga operasyon sa bektor sa mga operasyon sa alhebra (tulad ng pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, at negasyon) — sinusunod rin nila ang mga katangian ng komukatibo, asosyatibo, at pamamahagi. Ang mga operasyon at katangiang ito ay ang dahilan kung bakit ginagawang halimbawa ang mga Euclidyanong bektor sa pangkalahatang konsepto ng mga bektor bilang isang elemento sa espasyong pambektor.

Talababa