Negasyon
Sa lohika, ang negasyon o pagnenegatibo, tinatawag ring komplementong lohikal,Padron:Efn ay ang operasyon na kinukuha ang proposisyong P sa isa pang proposisyong "hindi P." Isinusulat ito sa anyong , , o .[1] Sa lohikang na pagpapakahulugan, totoo ang isang lohika kung di-totoo ang P, at di-totoo naman ang isang lohika kung totoo ang P.[2] Dahil rito, itinuturing na isang pang-isahang konektibong lohikal ang negasyon. Magagamit ito sa pangkalahatan bilang isang operasyon sa mga nosyon, proposisyon, halaga ng katotohanan, o halagang semantiko. Sa lohikang klasiko, ang negasyon ay ang buning pangkatotohanan na ginagawang di-totoo ang totoo (at kabaligtaran). Sa lohikang kawatasan, ayon sa interpretasyong Brouwer–Heyting–Kolmogorov, ang negasyon ng proposisyong P ay ang proposisyon na may mga patunay na sumasalungat sa P.
Talababa