Ikalawang Batas ni Newton

Mula testwiki
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap

Ang ikalawang batas ni Newton ay isa sa tatlong batas ng dinamika sa pisikang Newtonian. Isinasaad nito ang relasyon ng akselerasyon ng isang materyal na bagay sa pwersang dahilan ng akselerasyon nito. Sa madaling salita:

F=ma

kung saan ang F ay ang pwersa, m ang mass ng materyal na bagay, at a ang acceleration nito. Maaari rin nating isulat ang tumabasang ito bilang isang ordinaryong ekwasyong diperensiyal (ordinary differential equation):

F=md2xdt2

kung saan ang x ay ang posisyon ng materyal na bagay sa isang partikular na oras na t. Kung nais nating masaklaw ang kaso ng paggalaw sa dalawa o tatlong dimensiyon, mayroon tayong tumbasang bektor:

F=md2rdt2

kung saan ang r ay ang bektor na tumutukoy sa posisyon ng materyal na bagay sa oras na t.