Pinakamalaking karaniwang dibisor

Mula testwiki
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap

Sa matematika, ang pinakamalaking karaniwang dibisor (sa Ingles greatest common divisor o GCF) ang pinakamalaking buong bilang na makakahati sa dalawa o maraming mga bilang na walang matitira (remainder).

Halimbawa, ang GCF ng parehong 54 at 24 ay 6:

Ang mga makakahati (divisor) sa 54 na walang matitira ay:

1,2,3,6,9,18,27,54.

Ang mga makakahati (divisor) sa 24 na walang matitira ay:

1,2,3,4,6,8,12,24.

Ang mga bilang na nasa parehong listahan ng mga divisor ng 54 at 24 ay:

1,2,3,6.

Ang pinakamalaki sa listahang ito ang 6 kaya ito ang GCF ng 54 at 24.

Padron:Stub