Makatwirang bilang

Mula testwiki
Pumunta sa nabigasyon Pumunta sa paghahanap

Sa matematika, ang makatwirang bilang o numerong rasyonal (Ingles:rational number) ay isang bilang na maisusulat bilang isang praksiyon (bahagimbilang o hatimbilang). Lahat ng rasyonal na bilang ay tunay na bilang, at maaaring positibong bilang o negatibo. Ang isang bilang na hindi makatwiran o rasyonal ay tinatawag na numerong irasyonal o di-makatwirang bilang. Karamihan sa mga bilang na kinakaharap ng mga tao sa pang-araw-araw na buhay ay rasyonal. Kasama rito ang mga praksiyon at mga intedyer o buumbilang.

Pagsusulat ng mga makakatwirang bilang

Anyong praksiyon

Lahat ng mga makakatwirang bilang ay maisusulat bilang isang praksiyon. Gawing halimbawa ang 1.5. Maaari itong isulat na 112, 32, o 3/2.

Kasama sa marami pang mga halimbawa ng mga praksiyon na makakatwirang bilang ang 17, 89, at 25.

Nagwawakas na mga desimal

Ang nagwawakas, nagtatapos, tumitigil, o humihintong desimal ay isang desimal na may partikular na bilang ng mga tambilang (digit sa Ingles) sa kanan ng tuldok na desimal. Halimbawa ng mga ito ang 3.2, 4.075, at -300.12002. Lahat ng mga ito ay makatwiran.

Paulit-ulit na mga desimal

Ang isang desimal na paulit-ulit ay isang desimal na kung saan may mga walang katapusang maraming mga tambilang sa kanan ng tuldok na desimal, subalit sumusunod sila sa isang paulit-ulit na pasimundan o padron. Isang halimbawa nito ay ang 13. Bilang isang desimal, isinusulat ito na 0.3333333333... Ang mga tuldok o elipsis ay nagsasabi na ang bilang na 3 ay umuulit.

Kung minsan, isang pangkat ng mga tambilang ang umuulit. Isang halimbawa ang 111. Bilang isang desimal, isinusulat ito na 0.09090909... Sa ganitong halimbawa, ang pangkat ng mga tambilang na 09 ang paulit-ulit.

Gayundin, kung minsan ang mga tambilang ay umuulit pagkaraan ng ibang pangkat ng mga tambilang. Isang halimbawa ang 16. Isinusulat ito na 0.16666666... Sa ganitong halimbawa, ang tambilang na 6 ang nauulit, kasunod ng tambilang na 1.

Kapag sinubukan ito sa kalkulador, paminsan-minsan itong maaaring gumawa ng isang kamalian sa pagbubuo o kamalian sa pag-ra-round off sa hulihan. Halimbawa, maaaring ipakita ng kalkulador na ang 23=0.6666667, kahit na walang 7. Binubuo nito ang 6 sa hulihan magpahanggang 7.

Di-makatwirang mga bilang

Ang mga tambilang pagkaraan ng tuldok na desimal sa loob ng isang irasyonal o di-makatwirang bilang ay hindi umuulit. Halimbawa, ang unang mangilan-ngilang mga tambilang ng π (Pi) ay 3.1415926535... Hindi umuulit ang mga tambilang, at hindi uulit kaylanman, gaano mang kalayo ang marating sa kanan ng tuldok ng desimal.

Aritmetika

  • Kapag nagdaragdag o nagbabawas ng dalawang makatwirang bilang, palaging makakakuha ng ibang makatwirang bilang.
  • Kapag nagpaparami ng dalawang makatwirang bilang, palaging makakakuha ng ibang makatwirang bilang.
  • Magkatumbas ang dalawang makakatwirang mga bilang na ab at cd kung ang ad=bc